Makapigil hingingang sagupaan ang bumungad sa pagsisimula ng ikalawang Executive Face Off ng UNTV Cup off-season games.
Star-studded ang mga executive ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ang natatanging liga ng mga public servant na ang puso ay ang pagtulong sa kapwa.
Ipinamalas ng mga gabinete ni Pangulong Duterte na kaya rin nilang makipagsabayan sa hardcourt sa kanilang bakbakan ng Senate Team sa first game kahapon.
Ngunit pagpasok ng third quarter, bumuwelta ang Senate at naagaw na nag-abante, 58-55.
Nanguna ang tandem nina Senators Joel Villanueva at Sonny Angara na may combined 33 points upang buhatin ang Senate Team sa score na 78-74.
Habang nanguna naman sa Malacañang sina Lieutenant Commander Paul Yamamamoto na may 22 points at Special Assistant to the President Christopher Bong Go na may 15 points.
Nag-ambag naman si Anti-corruption Commissioner Greco Belgica ng 15 points at si PAGCOR Vice President Jimmy Bondoc ng 5 points.
Masasabi namang sweet revenge para sa PNP Reponders ang kanilang panalo kontra sa defending champion AFP Cavaliers sa score na 90-62.
Niratrat ng matinding opensa ng Responders ang Cavaliers upang dominahin ang lahat ng quarters hanggang sa tumunog ang buzzer.
Matatandang tinalo ng AFP noong nakaraang off season sa finals ang PNP sa overtime game sa pamamagitan lamang ng apat na puntos, 75-71.
Pinangunahan mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang PNP.
Tinanghal na best player of the game sina PSupt Peter Limbauan na may 17 points, 6 rebounds at isang assist at si PSupt Joel Demesa na kumamada ng 23 points tig tatlong rebounds at steals at isang assist.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )