Senate President Drilon, walang interes na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 election

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1077

SEN DRILON
Itinanggi ni Senate President Frankilin Drilon na may interes siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 National elections.

Posible umanong sa Setyembre magpupulong ang Liberal Party kung sino ang kanilang ilalagay sa Senatorial line up.

Nakikita rin ni Senador Drilon ang pagkakaroon ng major changes sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III dahil ilan sa mga miyembro ay nagpaparamdam ng kakandidato sa 2016 elections.

Ayon kay Drilon, Vice Chairman ng LP, bukod kay DILG Secretary Mar Roxas, matunog rin ang pangalan nina DOE Secretary Jerico Petilla, DOJ Secretary Leila de Lima, MMDA Chairman Francis Tolentino, TESDA Director General Joel Villanueva at Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Samantala wala namang nakikitang mali si Drilon kung nakikipag-usap si Pangulong Aquino sa hindi miyembro ng Liberal Party ukol sa 2016 election.

Tags: