Senate Inquiry kaugnay sa OFW blood money, sisimulan ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 3472

BRYAN_SENATE
Sisiyasatin ng senado ngayong araw kung saan napunta ang blood money na nalikom para sa OFW na si Joselito Zapanta.

Kabilang sa mga resource person sa Senate Hearing ang DFA at Department Of Labor And Employement.

Matatandaang noong Disyembre 2015 ay ibinitay sa Saudi Arabia si Zapanta matapos hindi makalikom ng P47 million na hiling na blood money ng pamilya ng Sudanese na kanyang napatay. P23 million lamang ang nalikom para sa naturang OFW.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose na “ang mga nag-donate ng hindi nagamit na blood money ang dapat magdesisyon kung saan ito dapat mapunta. Aniya, “galing ang hindi nagamit na pondo sa mga private donor at kailangang kunsultahin muna ang mga ito kung gagamitin sa iba”.

Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma, ang DFA at DOLE ang gagawa ng aksyon kaugnay sa blood money lalo na at itoy galing sa private donors.

Naniniwala sina Senador Cynthia Villar at Susan Toots Ople na kung di naman nagamit ang pera ay ibigay na lamang sa pamilya ng nabitay bilang tulong.

Ayon naman sa Ofw Family Club bukod sa pamilyang naulila dapat bahaginan ang mga pamilya ng mga OFW na nasa death row.

“I do believe na dapat mabigyan ng suporta yung pamilya kung di pa sila nakakatanggap ng suporta eh importante yun at kasabay po dyan yung mga nalikom eh kung maari ma-share din yan sa ibang nasa death sentence.” Ani ni Roy Señeres Jr.

Ayon kay Señeres napananahon ng magkaroon ng maayos na polisya sa blood money upang di laging kinakapos at nalalagay sa peligro ang buhay ng isang OFW.

Ayon sa OFW Family Club makikipag-usap din sila sa DFA kaugnay sa naturang blood money, kung papaano ito mapakikinabangan ng mga naulila ng OFW na si Zapanta.

Tags: , , , ,