Ibinasura na ngayong araw ng Senate Electoral Tribunal ang motion for reconsideration na ipinetisyon ni Rizalito David laban kay Senator Grace Poe.
Nanatiling lima kontra apat ang naging boto pabor kay Poe. Ito ay sina Senators Tito Sotto, Cynthia Villar, Bam Aquino, Pia Cayetano at Loren Legarda.
Samantalang ang apat na miyembro ng SET na matibay pa rin na panigan ang petisyon ni David ay sina Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-de Castro, at Arturo Brion; gayundin si Senator Nancy Binay.
Matatandaan na noong Nobyembre a disi syete, unang nagdesisyon ang SET na si Poe, bilang foundling ay maiku konsidera na natural-born Filipino kung saan ang naging kanilang basehan ay ang nakasaad sa 1935 constitution.
Muli namang nagpasalamat ang kampo ni Poe dahil sa desisyon na ito ng SET at ito ay patunay umano na talagang Natural-born Filipino ang senadora.
Samantala,dahil sa pagbasura na ito ng SET, sinabi ng kampo ni Rizalito David na iaakyat na nila ang kanilang mosyon sa Korte Suprema upang baguhin ang hatol ng Senate Electoral Tribunal.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)
Tags: motion for reconsideration, Rizalito David, Senate Electoral Tribunal