Senate Blue Ribbon sub-committee, ipako-contempt ang SVP ng Boy Scout kung bigong maisumite ang mga dokumento sa Alphaland deal

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 1255

PIMENTELBSP_031215

Inatasan ng Senate Blue Ribbon sub-committee ang Boy Scout of the Philippines na isumite ang lahat ng dokumento sa Commission on Audit na may kinalaman sa BSP-Alphaland deal

Ito ang ipinahayag ni Senador Aquilino Pimentel III na chairman ng Blue Ribbon sub-committee

Kasunod ito ng alegasyon ni dating Makati vice mayor Ernesto Mercado na bilyon-bilyong piso ang nawawala sa BSP dahil ibinulsa umano ito ni Vice President Jejomar Binay

Nangako si COA Commissioner Heidi Mendoza na bubusisiin ng ahensya ang mga nasabing dokumento ng BSP.

Nagbabala naman ang sub-committee na ipapacontempt ang senior Vice President ng BSP na si Atty. Wendel Avisado kung bigong maisumite sa COA ang lahat ng dokumento ukol sa Alphaland deal

Nagtungo naman sa Senado kanina si Atty. JV Bautista ang interim secretary general ng United Nationalist Alliance subalit hinahadlangan umano sila ng komite na makapasok  sa sesyon

Magtatakda pa ng pagdinig ang Senado ukol sa BSP-Alphaland deal, gayundin sa mga umanoy anomalya sa PAGIBIG fund at Makati City Hall Parking 2 Building. (Bryan de Paz/UNTV News Correspondent)