Senador Osmena naniniwalang si DILG Sec Roxas pa rin ang i-eendorso ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 21, 2015 (Tuesday) | 2480

SEN OSMENIA
Limang oras ang inabot ng meeting kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III kay Senador Grace Poe ngunit walang naganap na commitment kung sino ang i-eendorso ng Presidente.

Sa halip, kapwa sumang-ayon si Pangulong Aquino at Poe na dapat ituloy ang pagsusulong sa kapakanan ng mamamayan.

Ayon naman kay Senador Serge Osmeña the third na dating campaign manager ni Presidente Aquino, sa kabila ng maraming meeting, si DILG Secretary Mar Roxas pa rin ang i-eendorso ni Pangulong Aquino

Paliwanag ni Osmeña hindi maaring walang kandidato ang lp na itinuturing na pinakamalaking partido sa bansa

Kasunod na rin ito ng pagkabigo ng Pangulo na kumbinsihin si Poe na maging katandem ni Roxas sa 2016 elections sa ilalim ng Liberal Party

Matatandaang patuloy na naninindigan si Senador Poe na mananatiling independent at mas nais nitong maging running mate si Senador Chiz Escudero

Naniniwala naman si Osmeña na kahit na mahati pa ang boto dahil sa kapwa tatakbo sa pagka presidente sina Roxas at Poe, di pa rin makikinabang si Vice President Jejomar Binay

Nakikita naman ni Osmena na maaring gawing Vice Presidential candidate ng Liberal Party sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Congreswoman Leny Robredo

Ngunit una ng sinabi ni Senador Recto na walang plano si Governor V na pasukin ang mataas na posisyon

Nakikita rin ni Osmena na malakas sa masa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa kanyang political will

Tags: , , , , , , ,