Tiwala si Senate Committee on Local Government chair Bongbong Marcos sa inilabas na ulat ng Board of Inquiry kaugnay sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 kung saan 44 pulis ang nasawi
Ayon sa senador, nagtugma ang ulat ng BOI sa mga nakalap na impormasyon ng Senado hinggil sa nabaling chain of command, pangunguna ni Dating PNP Chief Alan Pursima sa plano gayong noo’y suspendido siya at kawalan ng koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Una nang tiniyak ni PNP-CIDG Chief at BOI head Director Benjamin Magalong na naging patas ang kanilang imbestigasyon sa engkwentro.
Tags: AFP, Alan Purisima, BOI report, Bongbong Marcos, Mamasapano, PNP