Senado, wala pang panahon upang talakayin ang charter change ayon sa ilang senador

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 11013

Wala pa ring plano ang karamihan sa mga senador sa talakayin ang panukalang rebisahin o amiyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ay kahit umusad na ang draft constitution ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa lower house.

Ayon sa ilang sendor, wala pa ring panahon sa ngayon ang Senado upang simulan na ang deliberasyon sa anomang hakbang upang baguhin ang konstitusyon.

Ayon pa kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sakali mang makarating sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang House draft constitution ay tiyak na haharangin niya ito.

Kwestiyonable sa senador ang tungkol sa tungkol sa line of succession na nakapaloob sa naturang panukala, kung saan inalis ang vice president sa maaaring pumalit sa Pangulo kung ito ay hindi na makakapagpatuloy sa pagganap ng tungkulin.

Imposible rin para kay Senate President Vicente Sotto III na matalakay agad ang panukala.

Ngunit may posibilidad aniya na maikonsidera na matalakay ang anomang panukala ng Kamara sa susunod na Kongreso sa susunod na taon.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,