Senado sisimulan sa Lunes ang Senate Inquiry kaugnay sa OFW blood money

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2471

BRYAN_SENATE
Ang mga nag donate ng hindi nagamit na blood money ang dapat magdesisyon kung saan ito dapat mapunta.

Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs o DFA kaugnay ng tanong ng pamilya ni Joselito Zapanta.

47 million ang hiling na blood money para sa paglaya ni Zapanta.

Ngunit nakalikom lamang ng 23 million pesos na hindi tinangap ng pamilya ng Sudanese na kanyang napatay at tuluyang binitay si Zapanta sa Saudi Arabia nooong Disyembre 2015.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, galing ang hindi nagamit na pondo sa mga private donor at kailangang kunsultahin muna ang mga ito kung gagamitin sa iba.

Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma, ang DFA at DOLE ang gagawa ng aksyon kaugnay sa blood money lalo na at itoy galing sa private donors

Sa Lunes, sisiyasatin ng senado kung saan napunta blood money para sana hindi mabitay si Zapanta.

Kabilang sa mga resource person sa Senate Hearing ang DFA at Department Of Labor And Employement.

Naniniwala sina Senador Cynthia Villar at Susan Toots Ople na kung di naman nagamit ang pera ay ibigay na lamang sa pamilya ng nabitay bilang tulong.

Ayon naman sa Ofw Family Club bukod sa pamilyang naulila dapat bahaginan ang mga pamilya ng mga OFW na nasa death row.

“I do believe na dapat mabigyan ng suporta yung pamilya kung di pa sila nakakatanggap ng suporta eh importante yun at kasabay po dyan yung mga nalikom eh kung maari ma-share din yan sa ibang nasa death sentence.” Ani ni Roy Señeres Jr.

Ayon kay Señeres napananahon ng magkaroon ng maayos na polisya sa blood money upang di laging kinakapos at nalalagay sa peligro ang buhay ng isang OFW.

Ayon sa OFW Family Club makikipag-usap din sila sa DFA kaugnay sa naturang blood money, kung papaano ito mapakikinabangan ng mga naulila ng OFW na si Zapanta.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,