Senado, magsasagawa ng tribute para sa yumaong dating Sen. Leticia Ramos-Shahani

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 2771


Pangungunahan bukas ng mga dating senador ang necrological services para sa kay dating Senadora Leticia Ramos-Shahani na pumanaw noong Lunes dulot ng kumplikasyon ng colon cancer.

Kabilang sa mga magbibigay ng eulogy sina dating Senador Ramon Magsaysay Jr, Aquilino “Nene” Pimentel Jr, Atty. Rene Saguisag kasama ang mga kasalukuyang mga senador na sina Loren Legarda, Bam Aquino at Koko Pimentel.

Matapos nito ay bubuksan na para sa public viewing ang mga labi ni Shahani.

Si Shahani ay ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Siya ay naging Senate President Pro-Tempore noong 9th at 10th Congress at kabilang sa mga hinawakan niyang komite sa Senado ay ang foreign relations, education, agriculture, at women and family relations.

Bago naging senador ay nagsilbi muna siyang ambassador ng Pilipinas sa Australia at naging opisyal ng United Nations for Social and Humanitarian Affairs noong 1980s.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,