Senado inaprubahan ang paglabas ng pagkakakilanlan ng Ninja Cops na nabanggit sa Executive Session.

by Erika Endraca | September 25, 2019 (Wednesday) | 4636

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado , sa botong 17-0 ang mosyon para bigyan ng kapangyarihan ang Senate Blue Ribbon at Human Rights Committee na ilabas ang impormasyon sa Executive Session.

Kaugnay sa ibinunyag ni dating Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mga mataas na opisyal ang nasangkot sa Agaw Bato Scheme.

Bago ito ay si dating PNP Chief at ngayo’y Senator Ronald Bato Dela Rosa ang naghain ng mosyon sa plenaryo.

Ginawa ito ni Delarosa matapos madawit ang pangalan ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Agaw Bato Scheme. Sang ayon naman ang PNP sa pagsasapubliko ng pagkakakilanlan ng mga tinaguriang Ninja Cops.

Ang hiling lang nila sa Senado, sikaping maingatan ang karapatan ng mga ito. Hangad din anila ng pambansang pulisya ang hustisya,katarungan at mabuting pamamahala sa paglabas ng katotohanan sa mga isinasangkot sa Drug Recycling.

(Bernard Dadis | UNTV News)

Tags: ,