Senado, inadopt na ang committee report tungkol sa isyu ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

by Radyo La Verdad | March 16, 2017 (Thursday) | 5963


Inadopt na ng Senado ang joint report ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Justice and human rights tungkol sa pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Baybay, Leyte Subprovincial Jail noong November 5, 2016.

Sa huling plenary session kahapon ng Senado, walang tumutol sa pag-aadopt ng report na nagsasabing premeditated o planado ang naging operasyon ng PNP-CIDG Region 8 laban kay Espinosa.

Kabilang sa mga nakapaloob na rekomendasyon sa committee report ay ang pagpapalakas sa pnp-internal affairs service unit na nag-iimbestiga sa mga kaso ng mga pulis;

Inirerekomenda ring pabilisin ng Department of Justice ang pagresolba sa mga reklamong inihain laban sa mga pulis na sangkot sa krimen.

Hinihikayat rin ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang makialam sa PNP at bigyan ng awtoridad ang kanyang mga appointee na magkaroon ng sariling desisyon at diskarte.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,