Senado, iimbestigahan ang isyu ng pagbebenta ng NFA buffer stock rice

by Radyo La Verdad | March 5, 2024 (Tuesday) | 2061

METRO MANILA – Iimbestigahan na ng Senado ang maanomalyang pagbebenta ng buffer stock rice ng National Food Authority (NFA) sa mababang halaga sa ilang negosyante.

Ayon kay Senate Commmittee on Agriculture and Food Chairman Senator Cynthia Villar, isang resolusyon ang babalangkasin nila para maimbestigahan na agad ang isyu.

Binigyang-diin din ng Senadora na sa mahihirap dapat ibinebenta ang NFA rice at hindi sa mga trader.

Nauna ng sinimulan ng Department of Agriculture (DA) ang imbestigasyon sa umano’y sale ng NFA rice sa mga hindi pa pinangalanang businessmen nang hindi dumaan sa bidding process

Tags: