Senado at House of Representatives susubukang ipasa ang iwas tanim bala bill

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 3587

TANIM-BALA-BILL
Kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa social media ang ipinupukol sa bansa dahil sa isyu ng tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport.

Dahil dito ilang panukalang batas na ang inihain sa dalawang kapulungan ng kongreso upang matigil na ang tanim bala bala scam.

Sa kamara inihain ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang House Bill No. 6245 o ang iwas tamin bala bill,

Naglalayon itong i-decriminalize ang pagdadala ng hindi lalampas sa tatlong pirasong bala ng baril.

Ayon kay Robredo dapat nang matapos ang modus operandi na ito at tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero

Counter part naman nito sa senado ang Senate Bill No. 3000 na inihain ni Senador Bam Aquino.

Ayon sa senador dapat tiyakin ang kaligtasan sa bansa hindi lamang ng mga turista at local investors kundi maging ang kapakanan ng ating mga kababayan.

Si Bayan Muna Party List Rep. Neri colmenares naman una nang hiniling na ipatigil muna ang pagpapatupad ng batas kaugnay sa pagdadala ng bala.

Subalit hindi sangayon dito ang dalawang kapulungan ng kongreso.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon dapat mayroong batas na ipatupad at hindi suspensyon lamang.

Handa naman ang liderato ng kamara at senado na talakayin ang dalawang panukalang batas sa lalong madaling panahon.

Una naring naghain ng resolusyon ang ilang kongrsista upang hilingin sa kongreso na imbestgahan ang tanim bala modus operandi sa NAIA. (Grace Casin/UNTV News)

Tags: , ,