Pormal nang naghain ng reklamong libelo si Senator Antonio Trillanes IV sa Pasay City Prosecutors Office laban sa nasa likod ng “Thingking Pinoy” blog na si RJ Nieto.
Ang reklamo ay nag-ugat sa naging post ni Nieto sa naturang account kung saan tinukoy umano ni U.S. President Donald Trump na drug lord si Trillanes.
Pero ayon sa mambabatas, malisyoso ang naturang post dahil sa transcript ng statement ni President Trump ay hindi nabanggit ang kaniyang pangalan.
Nauna nang humingi ng tawad sa mambabatas ang columnist na sumulat ng artikulo at naging source ng post ni Nieto kaya hindi na siya isinama sa reklamo.
Ayon sa mambabatas, pasok sa cyber-libel ang ginawa ni Nieto kaya dapat itong makulong at pagbayarin ng one million pesos na civil damages. Aniya ang naturang hakbang ay upang huwag pamarisan ng iba ang ginawa ni Nieto.
Sa kaniyang thingking pinoy blog ayon kay nieto na hindi pa siya nakatatanggap ng kopya ng reklamo. Pero bilang tugon sa inihaing reklamo sa kaniya sinabi ni Nieto na dito napupunta ang ibinabayad na tax ng taumbayan.
Sinabi rin ng blogger na dapat amyendahan na ang konstitusyon kung saan kailangan na aniyang sumailalim sa psychiatric test ang mga senador.
( Rajel Adora / UNTV Correspondent )
Tags: cyber-libel, RJ Nieto, sen. trillanes