Nagpasaklolo na sa Korte Suprema si Senator Antonio Trillanes IV upang mapigilan ang napipintong pag-aresto sa kaniya.
Sa petisyong inihain ng kaniyang abogado, hiniling ni Trillanes na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court (SC) at pigilan ang pagpapatupad sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin siya at muling ikulong.
Hinimok din nito ang SC na ipawalang-bisa ang Proclamation No. 572 ni Pangulong Duterte na nagkansela sa kanyang amnestiya.
Katwiran ng senador, inabuso ng Pangulo ang kapangyarihan nito sa utos na ipaaresto siya nang walang arrest warrant at walang kasong nakasampa sa korte.
Tags: amnestiya, Korte Suprema, sen. trillanes