Sen. Trillanes, dudulog sa plenaryo sa Lunes para sa proteksyon ni Edgar Matobato

by Radyo La Verdad | September 16, 2016 (Friday) | 1444

TRILLANES
Hindi pinayagan ni Senate President Aquilino Pimentel III ang hiling ni Sen.Antonio Trillanes IV na ilagay sa kustodiya ng Senado Si Edgar Matobato.

Siya ang ikatlong testigo na iniharap sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Public Order and Dangerous Drugs sa mga umano’y kaso ng extrajudicial killings at summary executions sa ilalim ng Duterte administrasyon.

Nais ni Sen.Trillanes na maprotreksyunan sana ang testigo gayong direkta niyang pinangalanan si Pres. Duterte, anak nitong si Paolo Duterte at iba pang mga kaalyado ng pangulo bilang pangunahging nasa likod ng mga pagpatay sa Davao noong mayor pa ng lungsod ang pangulo.

Inamin ni Matobato na bahagi siya ng notorious Davao Death Squad mula 1998 hanggang 2013.

Ayon kay Trillanes hindi pinayagan ito ni Pimentel dahil irrelevant o walang kinalaman ang testigo sa mga isyu aniya na dapat talakayin sa committee hearing.

Binanggit ng senador na noon pa man ay nasailaim na kustodiya ng senado ang ilang kontrobersyal na mga testigo katulad ni Jun Lozada.

Gayunpaman, habang hinihintay ng senador ang plenaryo sa Lunes tumulong na rin ito sa pagbibigay ng proteksyon sa testigo.

Samantala, iniabot na rin ni Sen.De Lima sa opisina ni Senate President Koko Pimentel ang kanyang liham para irekomenda ang kustdiya ng Senado sa testigo.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,