Kinasuhan na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Sen.Sherwin Gatchalian at dating Local Water Utilities Administration o LWUA Chairman Prospero Pichay at iba pa ng kasong graft, malversation at paglabag sa bank rules.
Kaugnay ito sa pagbili ng LWUA ng shares of stocks ng Express Service Bank Inc o ESBI na pag-aari ng mga Gatchalian taong 2009.
Ayon sa Ombudsman, nagsabawatan ang mga opsiyal ng LWUA at mga incorporators at executives ng ESBI sa pagbili ng mahigit apat na raang libong shares ng naturang bangko kahit labag ito sa bank rules.
Wala umanong pahintulot ito mula sa Office of the President, sa Department of the Finance, Monetary Board at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Dahil limang taong nang lugi ang bangko, naging disavantageous sa pamahalaan ang pagbabayad ng LWUA ng 80 million pesos para sa shares ng bangko.
Maliban dito, may mahigit 700 million pa umanong dineposito ang LWUA EBSI upang makabawi ito sa pagkalugi.
Maliban kay Sen.Gatchalian, damay din sa kasong graft at malversation ang apat sa kanyang mga kamag anak, limang lwua officials at iba miyembro ng board of directors ng bangko.
Ayon naman kay Sen.Gatchalian, 2500 pesos lang naman ang kanyang nakuha mula sa pagbebenta ng kanyang shares sa bangko.
Handa siyang makipagtulungan upang mapabilis paglilitis upang maabswelto na siya ng Sandiganbayan.
Sa labinglimang taong sa public service, hindi siya nadawit sa korapsyon at pag-abuso ng kapangyarihan. Wala rin aniyang ebidensyang magpupukol laban sa kaniya.
Sa Biyernes nakatakdang iraffle sa pitong divisions ng Sandiganbayan ang kasong ito. 90 thousand pesos ang nirerekomendang piyansa para kay Sen.Sherwin Gatchalian.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: bangkong pag-aari ng mga Gatchalian, kasong graft, malversation at paglabag sa banking rules, pagbili ng shares of stocks ng Local Water Utilities Administration, Senator Sherwin Gatchalian