Sen. Santiago, naghain ng resolusyon para imbestigahan ang tuition increase na inaprubahan ng CHED

by dennis | May 25, 2015 (Monday) | 3011
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Maghahain ng resolusyon si Senador Miriam Defensor Santiago para maglunsad ng Senate investigation kaugnay sa pag-apruba ng Commission on Higher Education (CHED) ng pagtaas sa matrikula ng mahigit 300 pribadong kolehiyo at pamantasan sa bansa.

Ayon kay Santiago, aalamin ng Senado kung ang naturang tuition increase ay para sa kapakanan ng mga guro, kawani at estudyante ng mga paaralan at hindi para lamang kumita.

“The CHED has issued guidelines for the use of funds derived from tuition increases, but we need to know how they ensure compliance with these rules,” pahayag ng senadora.

Batay sa CHED Memorandum No. 03 series of 2012, 70 porsyento ng pondo mula sa pagtaas ng matrikula ay dapat mapunta sa pagtaas ng sahod ng mga guro at non-teaching personnel habang hindi bababa 20 porsyento naman ang dapat ilaan sa pagpapaganda ng mga pasilidad at pagdagdag ng mga kagamitan.

Nitong nakaraang linggo, inaprubahan ng CHED ang aplikasyon ng nasa 313 pribadong kolehiyo at unibersidad na magtaas ng matrikula sa pagpasok ng school year 2015-2016.

Tags: , , ,