Sen. Ralph Recto, umaasa pa ring maisasabatas ang panukalang pagbuo ng ang Dept. of Information and Communications Technology

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 2805

SEN-RALPH-RECTO
Umaasa pa rin ang principal author ng panukalang batas na bubuo ng Department of Information and Communication Technology na si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na lalagdaan ito ni Pangulong Aquino upang maging ganap na batas.

Ayon kay Sen. Recto mahalaga ang agarang pagbuo ng naturang departamento upang maprotektahan ang bansa laban sa mga cyber attack.

Hindi nangangailangan ng malaking pondo ang pagbuo nito dahil limitado lamang ang bilang ng mga undersecretary na kinakailangan at hindi mandatory ang paglalagay ng mga regional office

Dagdag pa ni Sen. Recto malaki ang magagawa nito upang mapalakas ang Informations and Communications Technology Development ng bansa at maitatag ang electronic government o e-government.

(UNTV NEWS)

Tags: ,