Sen. Ralph Recto, magbibigay ng P100,000 sa sinomang makapagtuturo sa pumatay sa dating journalist na si Mei Magsino

by dennis | April 15, 2015 (Wednesday) | 2927
Mula sa Facebook page ni Mei Magsino
Mula sa Facebook page ni Mei Magsino

Nagpaabot ng pakikiramay si Senate President pro tempore Ralph Recto sa pamilya ni Mei Magsino, dating correspondent ng Philippine Daily Inquirer na nasawi matapos barilin ng riding-in-tandem noong Lunes sa Batangas city.

Ayon sa kanyang pahayag, bagamat hindi na affiliated si Magsino sa kaniyang dating media organization, hindi ito naging daan upang siya ay tumigil sa pagsasalita sa pagbabago na ibig niyang makita sa kanyang probinsya sa pamamagitan ng social media.

Upang matulungan ang mga awtoridad na madakip ang pumatay kay Magsino,magbibigay ito ng P100,000 sa sinomang makapagtuturo sa pumatay kay Magsino.

Si Magsino ang ika-147 na mamamahayag na pinatay mula nang ibalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1986 at ika-26 naman sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,