Sen. Poe, iginagalang ang resulta ng bagong SWS Survey

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 2684

GRACE-POE
Iginagalang ni Senador Grace Poe ang lumabas na bagong SWS Survey.

Naniniwala din si Poe na nakaapekto ang mga inihain disqualification cases laban sa kanya.

Gayunpaman, sinabi ni Poe na dapat na malaman ng mga mamayan na hindi siya sumusuko sa kanyang pakikipaglaban para makatakbong pangulo sa 2016 elections.

Ayon kay Senador Poe hindi na siya nagulat sa kinalabasan ng bagong survey at hayaan ang taong bayan na humusga at magpasya pagdating ng araw ng halalan.

Idinagdag pa ni Poe na anuman ang lumabas sa survey ay magsisilbing gabay sa mga dapat na gawin ng isang kandidato.

Samantala, iba naman ang pananaw ni Senator Trillanes, kandidato sa pagka-bise president sa bagong survey na inilabas ng SWS.

“Itong survey na lumabas ngayong araw na ito, ito ay nangggaling sa kampo ni Mayor Duterte at Senator Alan Cayetano. Ito ay isang propaganda nila pambawi nila sa mga kapalpakan the past few weeks.” pahayag ni Trillanes

Sinabi rin ni Trillanes na isinagawa ang survey bago ang proklamasyon kay Duterte bilang kandidato ng PDP Laban sa pagkapangulo. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,