Sen. Pangilinan at Cong. Kit Bemonte nagbitiw bilang mga opisyal ng liberal party matapos matalo ang mga kandidato ng Otso diretso

by Erika Endraca | May 22, 2019 (Wednesday) | 13669

Manila , Philippines – Nagbitiw bilang mga opisyal ng Liberal Party sina senator kiko pangilinan at congressman Kit Belmonte matapos matalo sa sentorial race ang mga kandidato ng otso diretso.

Sa 1-pahayag sinabi ni senador Pangilinan na bilang campaign manager ng otso diretso hindi niya nagawang maipanalo ang kanilang mga kandidato.

Hinangaan naman ni otso diresto senatorial candidate Erin Tañada ang ipinakitang lakas ng loob ni Senator Pangilinan.

Ayon kay Tañada ang pagbitiw ni Pangilinan sa posisyon ay pagpapakita ng kapakumbabaan.

Pero ayon Attorney Barry Guttierez, ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, hindi tinanggap ng pangalawang pangulo ang resignation nina Pangilinan at Belmonte.

Si Robredo ang tumatayong chairperson ng partido liberal. Ayon kay vice president Leni marami pa silang kailangang gawin at gagawin nila itong magkakasama.

Nilinaw naman si congressman belmonte na sa mananatili pa rin siyang miyebro ng liberal paty at hindi tatalon sa ibang patrido.

Sa pinakahuling partial official count ng commission on elections o comelec 8 kandidato ng otso diretso ang nakapasok sa magic 12.

Samantala nasa pang 14 na pwesto si Senator Bam Aquino, pang 16- naman si Mar Roxas at pang 20 si Chel Diokno. Umiwas naman ang palasyo na makisawsaw sa isyu.

 “Let lp speaks for itself, we will watch in amusement” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary  Salvador Panelo.

(Grace Casin | Untv News)

Tags: ,