Hindi kumbinsido si Sen. Panfilo Lacson sa naging testimonya ni Kerwin Espinosa sa pagdinig kahapon ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Justice and Human Rights sa kaso ng pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon sa chairman ng kumite, maraming butas ang mga naging pahayag ni Espinosa, lalo na ang pagdidiin niya kay sen. Leila de Lima bilang kaniyang protektor.
Kwestiyonable rin aniya ang naging koneksyon ni de Lima kay Albuera Police Head Chief Inspector Jovie Espenido na siyang namagitan kay Kerwin at sa dating driver body guard ng senadora na si Ronnie Dayan.
Ito ay dahil itinanggi ni Espinido na kilala niya ng personal si Kerwin o si Dayan.
Hindi rin aniya nagtutugma ang mga sinabing petsa ng pagtanggap umano ni de Lima ng pera ni Kerwin sa mga inihayag kagabi ni Dayan sa isang presscon.
Kung meron man aniyang sumakto sa sinabi ng dalawa, iyon ay magkakilala aniya sila.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: hindi kumbinsido sa testimonya ni Kerwin Espinosa sa Senado, Sen. Panfilo Lacson