Sen. Miriam Santiago magbabalik kampanya na

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 1086

senador-marcos
Asahang magkakasama na muli sa kampanya sina presidential candidate Miriam Santiago at vice presidential Candidate Bong Bong Marcos sa mga susunod na mga araw.

Ito ay sa dahilang nakapagpahingana ng husto ang senadora mula sa kanyang karamdaman.

Ilang campaign sorties din ang hindi na isagawa ni Santiago at hindi rin nakadalo sa ikalawang debate na ginanap sa Cebu dahil sumailalim ito sa clinical trial.

Ayon kay Senador Marcos, inihahanda na ang schedule ng kanilang pangangampanya
umaasa si Marcos napatuloy nang bubuti ang kalusugan ng kanyang running mate.

Samantala, nagbabala naman ang ilang presidential candidates sa mga naglalabasang survey.

Ayon sa kampo ni Vice President Jejomar Binay hindi dapat maniwala sa mga pekeng “trending surveys” na nagpapakita ng two-way race ng mga kandidato sa pagka-pangulo.

Para naman sa kampo ni Mayor Rodrigo Duterte, malinaw na ang patuloy na pagdami ng mga sumusuporta sa alkalde dahil sa marami ang naghahangad ng pagbabago.

Ayon naman sa kampo ni Senador Grace Poe, ang pangunguna sa survey ng Senadora ay pagpapakita ng pagsuporta ng marami sa kanyang kandidatura.

Naniniwala naman ang kampo ni dating DILG Secretary Roxas na ang tunay na resulta ng mga survey ay sa araw mismo ng eleksyon.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,