Sen. Marcos at legal team nito di magiging hadlang sa canvassing ng presidential votes – Atty. Garcia

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 2602

ATTY-GEORGE-ERWIN-GARCIA
Tiniyak ng kampo ni Senador Bongbong Marcos na di ito magiging hadlang canvassing na gagawin ng kongreso para sa presidential votes.

Ayon kay Atty George Erwin Garcia na head ng legal team ni Marcos, malinaw na si Mayor Rodrigo Duterte ang pinili ng mga mamamayang Pilipino at mahalaga na irespeto ang mandatong ito.

Pero iginiit ni Atty Garcia na magiging mabusisi sila sa certificate of canvass sa vice presidential votes.

Nais ng kampo ni Marcos na ipagdiinan na imposible o di dapat tanggapin ng publiko ang partial and unofficial result sa VP votes.

(UNTV NEWS)

Tags: ,