Sen. Marcos, kinuwestyon kung bakit hindi isinama ng OPPAP ang mga Sultan sa konsultasyon sa proposed BBL

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 1279

CONSULTATIONS ON BBL
Pinuna ni Senador Ferdinand Marcos Junior, Chairman ng Senate Committee on Local Government ang mga opisyal ng Office of the Presidential Affairs on Peace Process.

Ito ay matapos na mapakinggan ang hinaing ng mga Sultan ng Sulu na dumalo sa pagdinig kanina na hindi sila nasabihan tungkol sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ayon naman kay Senador Francis Escudero Jr. dapat naging bukas ang OPAPP sa pagkonsulta sa lahat ng sektor upang di nakukuwestyon ang legalidad ng BBL.

Tinanggi naman ng OPAPP na ipinagwalang bahala nila ang Sultanate of Sulo.

Kanina binigyan ng pagkakataon ng Senado ang mga Indiginous People of Mindanao at Sultanates na magsalita ukol sa kanilang mga saloobin sa BBL

Tutol ang mga Sultanate of Sulu, mga katutubo at mga local na pamahalaan ng Zamboanga na isama sila sa BBL.

Tutol din ang mga taga Sulu sa probisyon na papalitan ang pangalang Sulu Sea sa Bangsamoro Sea. ( Bryan de Paz /UNTV News)

Tags: , ,