METRO MANILA – Opisyal nang tinaggap ni Senator Manny Pacquiao ang nominasyon ng kanyang grupo sa ruling party na PDP-Laban para tumakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon.
Ibinoto ng kanyang mga kapartido ang senador sa isinagawang Hybrid National Assembly kahapon (September 19) kung saan nasa 10,000 grassroot members umano ang nakiisa.
Sa kanyang acceptance speech, pinasaringan nito ang umano’y mga korap sa gobyerno.
“Sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na patuloy na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan, malapit na kayong magsama-sama sa kulungan. your time is up.” ani Sen. Manny Pacquiao.
Binigyan naman ng otoridad ng kanyang mga ka-grupo si Pcquiao na pumili ng kanyang magiging vice president at kung sino ang bubuo sa senatorial slate kung saan kumpirmado nang kabilang si dating Eastern Samar Governor Lutgardo Barbo na vice chairman ng Partido.
(Harlene Delgado | UNTV News)