Sa halagang 30 thousand pesos, naghain na ng piyansa si Sen. Manuel “Lito” Lapid sa kanyang kaso sa Sandiganbayan 1st division.
Kaugnay ito ng isang count ng graft dahil sa pagkakadawit ni lito sa umanoy fertilizer fund scam taong 2004 noong gobernador pa ito ng probinsya ng Pampanga.
Ayon sa impormasyon ng kaso, mahigit tatlong libong fertilizer na naghahalaga ng 4.7 million pesos ang binili nila lapid na hindi dumaan sa bidding.
Minadali din aniya ang procurement at hindi dumaan sa tamang proseso.
Ayon sa Senador,handa siyang sagutin ang mga alegasyon sa korte.
Tumanggi na rin ito magbigay ng kumento sa kaso at sinabing hindi na hihintay na magissue ng warrant of arrest ang korte bago magpiyansa.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)
Tags: Sandiganbayan, Sen.Lito Lapid