Sen. Leila de Lima, sinampahan ng criminal complaint ng house leaders sa DOJ

by Radyo La Verdad | December 13, 2016 (Tuesday) | 1159

aiko_de-lima
Nagsampa na ng reklamong kriminal sa Department of Justice ang sampahan House Committee on Justice laban kay Sen. Leila de Lima.

Kaugnay ito sa umano’y paglabag nito sa Article 150 ng revised penal code o inducing disobedience to a summon bunsod ng naging payo ng senador kay Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Ginamit na basehan ng reklamo ang text message ng senadora sa anak ni Dayan na si Hanna Mae kung saan sinabi nito na magtago na lang muna ang dating driver/bodyguard dahil pagpipyestahan lamang siya kapag dumalo sa pagdinig.

Parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan at multang 200 hanggang 1,000 pesos ang parusa sakaling mapatunayan ang akusasyon laban kay de Lima.

Tags: ,