Iginiit ngayon ni Sen. Leila de Lima na hindi peke ang notaryo sa kanyang petisyon sa Korte Suprema gaya ng paratang ng Office of the Solicitor General noong nakaraang linggo.
Ayon sa senadora, nagkita sila ng notary public na si Atty. Maria Cecille Tresvalles-Cabalo nang dalhin siya sa Camp Crame noong February 24 upang i-notaryo ang kanyang petisyon.
Desperado lamang aniya ang opisina ng solicitor general kaya’t sinusubukan nitong makahanap ng maliliit na butas sa teknikalidad ng kaso sa halip na pasinungalingan ang merito ng kanyang petisyon.
Dati namang sinabi ni Solicitor General Jose Calida na palsipikado ang notaryo sa petisyon ni de Lima dahilwala sa records ng PNP-Custodial Center na nagtungo doon si Atty. Tresvalles-Cabalo.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: hindi peke, Korte Suprema, notaryo, petisyon, Sen. Leila De Lima