Sen. Leila de Lima, dumating na sa Muntinlupa RTC para sa kanyang arraignment

by Radyo La Verdad | May 18, 2018 (Friday) | 6778

Dumating na sa Muntinlupa Regional Trial Court si Senator Leila de Lima para sa nakatakdang arraignment ng kanyang mga kasong conspiracy to commit illegal drug trading.

May kinalaman ang mga kaso sa sinasabing pakikipagsabwatan ni de Lima sa mga drug lord sa bilibid upang magbenta ng iligal na droga.

Ilang beses na ring naipagpaliban ang arraignment dahil sa mga mosyon ng senadora na balikratin ang kautusan ng korte sa pagtanggap sa binagong demanda laban sa kanya.

Bukod sa arraignment ngayong araw, didinggin din ng korte ang hiling ni de Lima na pansamantalang makalabas ng kulungan upang dumalo sa graduation ng kanyang anak sa ika-3 ng Hunyo.

Nagtitipon naman sa labas ng korte ang mga tagasuporta ng senadora at nananawagang i-dismiss ang anila’y gawa-gawang mga kaso.

 

 

Tags: , ,