Naghain na ng pormal na reklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC laban kay Senador Leila de Lima at anim na iba pa kaugnay ng drug trade Bilibid.
Paglabag sa Section 5 at 26 ng RA 9165 ang isinampa laban kay De Lima at kina dating BuCor Director Franklin Bucayu, dating Justice Undersecretary Francisco Baraan The Third, Joenel Sanchez, Ronnie Dayan, Jose Adrian Dera, Wilfredo Ely at ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.
Batay sa reklamo ng VACC, nagsabwatan umano sina De Lima at iba pang respondents upang magpatuloy ang talamak na bentahan ng droga sa Bilibid.
Ginamit na basehan ng reklamo ang testimonya ng mga high profile inmate sa pagdinig ng kamara na inutusan umano ni Jaybee Sebastian na magbenta ng droga bilang ambag sa senatorial campaign ni De Lima.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: Sen. Leila de Lima at 7 iba pa, sinampahan ng reklamong drug trafficking sa DOJ