Kumpiyansa si Sen.Joseph Victor Ejercito na magiging patas ang Sandiganbayan sa pagdedesisyon sa kanyang kaso.
Sa interview matapos ang kanyang arraignment sa kasong graft at illegal use of public funds bunsod ng paggamit ng 2.1 million pesos na calamity fund ng San Juan City upang ipambili ng mga armas noong 2008, sinabi ng senador na umaasa siyang malilinis ang kanyang pangalan.
Nanindigan din ang senador na walang mali sa paggamit nila ng nasabing pondo.
Not guilty plea ang inihain ng senador sa kanyang arraignment kanina kaugnay sa kasong illegal use of public funds.
Kaparehong plea rin ang inihain ng iba pang akusado na sina dating vice mayor na si Leonardo Gonzales Celles at mga dating miymebro ng Sangguniang Panglungsod na sina Andoni Miguel Carballo, Joseph Christopher Toralba, Dante Espiritu Santiago,Grace Cortes Pardines at Eduardo Velarde Soriano.
Si dating San Juan City Vice Mayor Francis Zamora ay nauna nang nabasahan ng sakdal dahil sa kanyang motion to travel na pinagbigyan ng korte.
Ang ibang akusado naman, may inihaing motion to quash kaya’t hindi muna rin binasahan ng sakdal kanina.
Itinakda naman ng korte ang preliminary conference sa Aug. 23 at 24 at ang pretrial naman sa Sept. 8.
Maliban sa kasong ito, naghain rin ng not guilty plea ang senador sa graft case sa Sandiganbayan 5th division noong April 18.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: calamity fund ng San Juan, procurement ng armas ng mga pulis, Sen. JV Ejercito