Sen. JV Ejercito at 19 iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng San Juan City, kinasuhan na sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1287

SEN JV EJERCITO
Pasado alas diyes ng umaga nang dumating sa Sandiganbayan ang ilang kinatawan ng Office of the Ombudsman upang sampahan na ng kaso si dating San Juan City Mayor at ngayo’y Senator JV Ejercito at labing siyam na dati at kasalukuyang opsiyal ng San Juan City.

Kaugnay ito ng 2.1 million pesos na umano’y calamity fund ng San Juan City na ginamit upang ipambili ng high powered firearms noong 2008.

Mabilan kay Sen.Ejercito, kinasuhan din ng illegal use of public funds si dating Vice Mayor Leonardo Celles, dating councilor at ngayong vice mayor ng lungsod na si Francis Zamora, at labing dalawa pa.

Kumakandidato ngayon bilang aklade ng San Juan City si Zamora.

Sa isinampang kaso, sinabi ng Ombudsman na nagsabwatan ang mga nasabing opsiyal upang magamit ang calamity fund na ipambili ng mga arms.

Kinasuhan din ng Ombudsman ng graft ang dating city administrator, city treasurer at ilan pang miyembro ng bids and awards committee.

Ayon sa Ombudsman, hindi dumaan sa tamang bidding process ang pagbili ng armas dahil pre-selected aniya ang brand at model ng mga armas.

Binigyan din ng unwarranted benefit o pabor ng San Juan ang kumpanyang HK Tactical Defense System Inc nang ibigay agad dito ang notice of award at purchase order dalawang araw matapos ang bidding.

Sa isang text statement naman na ibinigay ng kampo ng senador, sinabi nitong malinis ang kanyang konsensya.

Aniya, naaayon sa batas ang pagbili nila ng firearms kayat walang nakita aniyang iregularidad ang Commission on Audit dito.

Politically motivated lang aniya ang kaso at pinaghahandaan na ng kanyang mga abogado ang mga susunod na hakbang para iresolba ito.

30 thousand pesos ang nirerekomendang piyansa ng Ombudsman sa kasong graft habang 6 thousand naman ang sa illegal use of public funds.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,