Sen Jinggoy Estrada, umaasa na mapagbibigyan ring makapagpiyansa sa kasong plunder

by Radyo La Verdad | August 24, 2015 (Monday) | 1237

ESTRADA
Hindi nawawalan ng pag-asa si Sen. Jinggoy Estrada na pagbibigyan din ng Korte ang kanyang hiling na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng pdaf scam, tulad ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Ayon sa senador, dalawa sa tatlong valid reasons na binanggit ng Korte Suprema sa apela ni Sen. Enrile ay applicable din sa kanya.

Ito ay ang hindi pagiging flight risk at ang boluntaryong pagsuko sa awtoridad.

Katulad ni Sen. Enrile, may petition for certiorari din si Estrada sa Korte Suprema na humihiling na madismiss ang mga kaso dahil sa kawalan ng ebidensya.

Sa ngayon hinihintay pa ni Estrada na matapos ang kanyang bail hearing sa Sandiganbayan 5th division na inabot na ng mahigit isang taon.

Samantala, masaya naman si Estrada para kay Sen. Enrile na ngayon ay makababalik na sa kanyang trabaho sa Senado.

Kinumpirma din Estrada na bumisita si Senador Enrile sa kanilang dalawa ni Senator Bong Revilla Junior sa PNP Custodial Center noong Biyernes. (Joyce Balancio / UNTV News)

Tags: