Sen.Jinggoy Estrada, maaari makatakas kapag pinayagan na makadalo sa burol ni German Moreno -Prosekusyon

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 1428

JINGGOY ESTRADA 031615
Hindi maaaring makadalo si Sen.Jinggoy Estrada sa burol ni German Moreno o mas kilala sa pangalan na Kuya Germs dahil malaki ang posibilidad na tumakas ito.

Ito ang iginiit ng kampo ng Prosekusyon sa kanilang inihaing oposisyon sa urgent motion ni Estrada sa Sandiganbayan 5th Division.

Hinihiling kasi ng Sen.Estrada na makapunta sa Mt.Carmel Church mamayang hapon para makilamay.

Ayon sa Prosekusyon, dahil matao ang lugar ng burol, may posibilidad na gamitin ni Estrada ang kanyang impluwensya upang matakasan ang kanyang PNP escorts.

Dagdag pa nila, ngayong denied na ang bail petition ni Estrada dahil matibay ang ebidensya laban sa kanya, nararapat lamang na hindi nito matamasa ang ilang civil at political rights.

Magiging bad precedent din aniya ito dahil. Magmumukhang pinapaboran ng korte ang senador kumpara sa ibang detainee.

Ganito rin ang sinabi ng Prosekusyon sa kaparehong mosyon ni Sen.Revilla sa 1st Division.

Anila, hindi naman extraordinary ang sitwasyon para payagan sa Revilla kumpara noong naaksidente ang kanyang anak na si Jolo at pinagbigyan itong makabisita rito.

Paliwanag din ng Prosekusyon, maaaring maging kumplikado at mahirapan ang pnp sa seguridad ni Revilla gayong maraming tao sa lugar.

Ang urgent motion nina Revilla at Estrada, submitted for resolution na sa 1st at 5th Divisions ng Sandiganbayan.

Parehong senador ay hindi pinayagan na makapagpiyansa sa kasong plunder at nakaditine sa PNP Custodial Center dahil sa umanoy pagkamal na iligal na yaman mula sa Pork Barrel Scam.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,