Umaasa si Senator Jinggoy Estrada napapayagan ng Sandigabayan na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder.
Ito ang pahayag ni Sen. Estrada, pagkatapos ng bail hearing sa Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder kaugnay ng pdaf scam.
Nakasuhan na rin ni Estrada noong 2001 at ang kanyang amang si Manila Mayor Joseph Estrada sa katulad na kaso dahil naman sa pagkakamal umano ng mahigit apat na bilyong piso mula sa jueteng.
Bagaman non bailable ang kasong plunder, pinagbigyan ng korte na magpiyansa ang senador samantalang guilty ang naging hatol sa kanyang ama.
Ayon kay Sen. Estrada, hindi nalalayo ang sitwasyonng kanyang plunder case ngayon dahil base sa iprinisinta ng prosekusyon sa oral summation ngayo huwebes, wala pa ring matibay na ebidensya laban sa kanya.
“Yes i was granted bail because there is no strong evidence presented against me, i think this is another repeat performance. It is very clear that the prosecution failed miserably in presenting evidence that i received hundred eighty three million pesos, even the aggregate amount of 50 million.” Pahayag ni Estrada
Giit din ng senador, dapat siyang pagbigyan na makapagpiyansa dahil hindi naman niya tatakasan ang kaso.
Iprinisinta muli ng prosekusyon at ng depensa ni Sen.Jinggoy Estrada at Janet Lim Napoles ang kanilang mga argumento bilang bahagi ng pagtatapos ng bail hearing.
Ayon sa prosekusyon, lahat ng elemento ng plunder ay napatunayan ng kanilang kampo.
Una, ang public official ni Estrada at ng kanyang chief of staff na si Pauline Labayen na nagsilbing middleman. Ikalawa, ang pakikipagsabwatan kay Napoles upang maendorso ang kanyang pdaf sa pekeng ngo’s, at ikatlo ay ang pagkamal ng iligal na yaman na mahigit 50 million pesos.
Iniisa isa ng prosekusyon ang kanilang mga ebidensya katulad ng endorsement letters, AMLC report, COA audit report, testimonya ng whistleblowers at iba pa.
Sa kabila nito, giit pa rin ng kampo ng senador, wala pa ring matibay at kongkretong ebidensya ang naiprisinta laban sa kanila.
Binigyan pa ng Sandiganbayan ng sampung araw ang bawat kampo na magpasa ng kanilang memorandum saka pa magiging submitted for resolution ang bail petition ni Sen. Jinggoy Estrada. (Joyce Balancio/UNTV News)
Tags: plunder, Sandiganbayan 5th Division, Senator Jinggoy Estrada