Hiniling ni Sen.Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na pahintulutan siyang mag-administer ng oath taking ng kanyang anak na si incoming San Juan City Vice Mayor Janella Estrada sa June 28, sa Mandaluyong City.
Ayon sa senador, bilang ama ni Janella, nais niya na siya ang magsagawa ng oath taking.
Ito rin aniya ang kanyang huling official act bilang senador.
Maliban sa panunumpa ng anak, hiniling din ng senador na makadalo sa pagpupulong sa June 29 mula alas otso ng gabi hanggang alas dos ng madaling araw
Sa ngayon, wala pang desisyon ang korte sa kanyang mosyon.
Kasalukuyang nakadetine si Estrada sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder kaugnay ng PDAF Scam.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: oath taking, Sandiganbayan, Sen. Jinggoy Estrada, Vice Mayor ng San Juan