Mismong ang running mate ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 election na si Senador Gregorio Honasan The Second ang magsasabi sa pangalawang pangulo na dapat sundin ang korte sakaling maglabas ng desisyon ukol sa alegasyon ng kurapsyon laban sa kanya.
Ginawa ni Senator Honasan ang pahayag sa panayam sa kanya ng Get It Straight with Daniel Razon.
Tingin ni Honasan, ang mga isyu ng kurapsyon laban kay VP Binay ay lumabas matapos na sya’y magpahayag ng interes na sumabak sa pampanguluhang halalan sa 2016.
Naniniwala rin ito na inosente ang kanyang running mate sa mga ibinibintang dito.
Dating mahigpit na magkalaban si Honasan na ilang ulit nagsagawa ng coup de’ etat sa administrasyon ni Pangulong Cory Aquino at si Binay na mayor noon ng Makati City kaalyado ng administrasyon
Sa kabila nito, ayon kay Honasan ramdam nya na welcome sya sa partido.
Sinagot din ni HONASAn ang isyu ng Pork Barrel Scam na isinasangkot ang kanyang pangalan.
Aminado si Honasan na malaking hamon sa kanya na maging running mate ni VP Binay dahil sa mga isyu na ipinupukol sa pangalawang pangulo pero pinaghandaan na nya ito at patuloy na isusulong ang kanilang plataporma para sa bansa.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: binibintang, inosente, Sen. Honasan, VP Binay