Sen. Grace Poe, idiniskwalipika na ng COMELEC sa pagtakbo bilang pangulo

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 2118

5ef73d99902145da56fcf32f154d74361c55c9d621e925fd708f2c9f027e9471
Kinumpirma ng legal counsel ni Senator Grace Poe na si Atty.George Erwin Garcia na disqualified na sa pagtakbo sa pagkapangulo si Senator Grace Poe dahil sa isyu ng residency at citizenship.

Ayon sa tatlumput apat na pahinang desisyon, pinaboran ng Comelec ang petisyon ng abogadong si Estrella Elamparo na humihiling na ikansela ang Certificate of Candidacy para sa pagkapangulo sa 2016 ni Sen. Poe.

Ayon sa Comelec kulang ng dalawang buwan si Poe sa 10 taon na residency requirement ng pagkapangulo base sa petsa ng kanyang muling pag-acquire ng philippine citizenship na July 18 2006

Hindi rin pumabor ang Comelec kay Poe sa issue ng citizenship

Bagamat may international law umano na nagbibigay karapatan sa mga foundling na maging natural born citizen ng isang bansa, hindi naman nito maaring tabunan o mas higitan ang nakasaad sa konstitusyon na dapat dugong pilipino ang kahit isa sa magulang ng isang foundling, bagay na hindi pa mapatunayan ni Poe

Dismayado ang Senadora sa naging desisyong ng Comelec.

Ayon naman sa kampo ni Poe, nakatakda silang maghain ng motion for reconsideration hanggang lunes sa Comelec En Banc.

Bukod sa kasong isinampa ni Elamparo, may tatlo pang disqualification cases na isinampa laban kay Grace Poe. (Meryll Lopez / UNTV-RADIO Reporter)

Tags: , ,