Sen. Escudero umaasang papanigan ng Supreme Court si Sen. Poe sakaling hindi paboran ng COMELEC En Banc sa disqualification case nito

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 2545

BRYAN_ESCUDERO
Nakahandang tanggapin ng kampo ni Senador Grace Poe ang anumang magiging pasya o desisyon ng Commission on Elections o COMELEC En Banc kaugnay sa disqualification case ng senadora.

Ito ang naging pahayag ng running mate ni Poe na Senator Chiz Escudero.

Gayunman sinabi ni Escudero na sakaling hindi paboran ng COMELEC si Poe maari pa itong i-akyat sa Supreme Court.

Umaasa si Escudero na papaboran ng Supreme Court ang senadora katulad din sa kaso ng kanyang amang si Fernando Poe Junior ng tumakbo itong pangulo noong 2004.

Si Escudero ang campagin manager noon ni Fernando Poe Jr.

Samantala ipinagtanggol naman ni Senador Chiz Escudero si Pangulong Benigno Aquino The Third.

Sinabi ng senador na sa kanyang pananaw walang kinalaman sa disqualification case kay Poe ang pangulo.

Umasa ang senador na hindi masisira ang kanilang samahan ni Pangulong Aquino ng dahil lamang sa halalan sa 2016.

(Bryan De Paz/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,