Sen. Escudero, hiniling na magkaroon ng special audit sa yolanda rehab fund

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 21480

SEN_ESCUDERO
Kailangang magkaroon ng special audit sa mga pondo na ginamit para sa relief, recovery at rehabilitation efforts sa mga kumunidad na apektado ng typhoon yolanda.

Ito ang panawagan ni Senador Francis Escudero.

Sinabi ni Escudero na ang pamahalaan ay nakapaglabas ng 89 billion sa 167.8 billion na kailangan sa comprehensive rehabilitation and recovery plan na inihanda ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery o OPAAR, ngunit wala man lang nakikitang resulta ng proyekto

Sa isa namang ulat mula sa Social Watch Philippines inihayag ng grupo na 25% pa lamang ng kinakailangan pondo para sa mga livelihood project para sa yolanda victims ang nairerelease ng DBM.

Base sa SWP Study, October 2014 nang i-release ang mahigit sa isang bilyong piso para sa livehood projects sa Department of Agriculture ngunit hindi na ito nasundan.

Ayon pa kay SWP Convenor Prof. Leonor Magtolis Briones sa kabila ng matinding pinasala sa agrikultura, umabot lamang sa 27% ang nairelease sa allocated budget para sa Philippine Coconut Authority samantalang 29% naman sa DA.

Aniya ang disbursement report ng DBM noong July hanggang August 2015 ang kanilang batayan sa kanilang mga inihayag na ulat.

Dahil dito plano ni Senador Ferdinand Marcos Junior na maghain ng resolusyon upang ang senado ay magsagawa ng imbestigasyon kung ano na ba ang nangyari sa pondo para sa mga biktima ng yolanda at rehabilitation program.

Sa isang pahayag una nang sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad sinisikap ng DBM na maipakita ang transparency sa pagrerelease ng pondo sa mga programa ng pamalahaan sa lahat ng pagkakataon.(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , , ,