Sen. Escudero, hindi pabor na magsalita ang AFP Chief of Staff ukol sa isyu ng West Philippine sea dispute

by Radyo La Verdad | April 22, 2015 (Wednesday) | 1357

CHIZ  ESCUDERO-03

Hindi pabor si Senador Francis Escudero na ang AFP Chief of Staff ang magsalita ukol sa isyu ng West Philippine sea dispute.

Paliwanag ni Escudero, kung isyu ng West Philippine sea o problema ng mga bansa, dapat diplomat, ambassador o opisyal ng Department of Foreign Affairs.

Inihalimbawa nito ang sitwasyon sa ibang bansa na hindi AFP Chief ang nagbibigay ng pahayag pagdating sa issue ng teritorial dispute.

Ayon kay Escudero baka makadagdag lamang sa problema kung isang heneral ang magsasalita.

Ngunit ayon sa Malakanyang, nakatutulong ang mga hakbang ng AFP maging ng DFA para na rin sa public awareness.

Tags: