Sen. De Lima, pinaiimbestigahan ang pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng mga sundalo sa BOC

by Radyo La Verdad | November 26, 2018 (Monday) | 24071

Pinaiimbestigahan ni Senator Leila De Lima sa Senado ang umano’y take over ng mga tauhan ng militar sa Bureau of Customs (BOC).

Sa inihaing Senate Resolution No. 949 ni De Lima, sinabi nito na nababahala siya sa posibleng epekto ng pagtatalaga ng mga sundalo sa regular function ng kawanihan lalo na pagdating sa revenue collection.

Giit ng mambabatas, dapat sundin ng Pangulo ang nakasaad sa konstitusyon kung saan ipinagbabawal aniya ang pagtatalaga ng mga sundalo sa civilian position sa pamahalaan dahil wala namang state of lawlessness sa BOC.

Tags: , ,