Sen. De Lima, duda sa authenticity ng matrix ng umano’y illegal drug operations sa NBP

by Radyo La Verdad | August 25, 2016 (Thursday) | 1261

JOYCE_KADUDA-DUDA
Pinagdududahan ni Sen. Leila De Lima ang pinanggalingan ng inilabas na matrix umano’y illegal drug operations sa New Bilibid Prison kung saan naroon ang kanyang pangalan.

Sinabi ng dating Justice Secretary na kahit sino ay maaaring gumawa ng ganoong dokumento nang walang basehan.

Mariin ding itinanggi ni Sen. De lima ang pag-uugnay sa kanya kay dating Pangasinan Governor at ngayo’y Congressman Amado Espino.

Sa katunayan aniya, noong justice secretary pa siya ay pinakasuhan pa niya si Espino ng murder at pinaimbestigahan dahil sa black sand mining at quarrying.

Malinaw rin aniya sa naturang matrix na walang direktang nagtuturo sa kanyang umano’y kinalaman sa mga sindikato ng droga.

Hiniling din ni Sen. De Lima sa pangulo na tigilan na ang paninira nito sa kanya.

Samantala, umaasa naman si sen. Leila de lima na magiging patas ang Senate Ethics Committee sa pagdinig sa reklamong natanggap nito laban sa kanya.

Nandigan naman ang senadora na sa kabila ng mga kaliwa’t kanang alegasyon sa kanya ni Pres.Rodrigo Duterte, hindi siya matitinag at mapanghihinaan ng loob.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,