Sen. De Lima, binasahan na ng sakdal sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 6350

Binasahan na ng sakdal sa kasong conspiracy to illegal drug trade ang nakaditeneng si Senadora Leila De Lima ngayong araw sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206.

Not guilty ang plea ni De Lima sa nasabing kaso sa arraignment sa korte ngayong araw. Sinabi nitong hindi niya kinikilala ang mga alegasyon laban sa kanya dahil wala umano itong basehan.

Samantala, sa gitna ng paglilitis ay kinwestiyon ng kampo ni De Lima ang naging shifting sa kaso dahil mula sa drug trading charge ay ginawang conspiracy to commit illegal drug charges ang kaso laban sa Senadora.

Una ay hindi umano ispesipikong nabanggit sa kaso ang uri ng drogang ginamit sa drug trading.

At bukod sa February 14, 2016 resolution ng DOJ ay wala na umanong iba pang resolusyon na inilabas ang kagawaran na nagpapatunay na may paglabag sa Section 26 ang senadora.

Ayon naman sa DOJ prosecution team, hindi na nila kailangan pang maglabas pa ng bagong resolusyon dahil parehong ebidensya at testigo rin ang kanilang gagamitin sa paglilitis.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,