Sen. De Lima, bibigyan ng pagkakataon ng House Committee on Justice upang magpaliwanag sa isyu ng NBP drug trade

by Radyo La Verdad | September 21, 2016 (Wednesday) | 1686

DE-LIMA
Hindi na bago sa mga congressional inquiry ang ginawang proseso ng imbestigasyon kahapon ng House Committee on Justice kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Ito ang nilinaw ng chairman ng komite na si Representative Reynaldo Umali sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga sa pambansang kulungan.

Ayon kay Congressman Umali, ang ginawang direct examination ng Secretary of Justice sa isinasagawang pagdinig ay hindi na bagong gawi taliwas sa pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman na labag sa house rules.

Matatandaan aniya na noong isinagawa ang imbestigasyon ng senado sa Pork Barrel Scam, mismong si dating DOJ Secretary Leila De Lima rin ang nagdirect examination kay Benhur Luy.

Binigyang diin rin ni Representative Umali na ang imbestigasyon na ito ay hindi political persecution kay Senator De Lima.

Sa katunayan ay bibigyan pa rin nila ng pagkakataon si Senator De Lima na pumunta sa isinagawang imbestigasyon na ito ng Kamara at bibigyan siya ng pagkakataon na tanungin mismo direkta ang mga resource person.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,