Pinasasampahan na ng reklamo ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice si Senator Leila de Lima at labimpitong iba pa na umano’y sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.
Sa dokumentong isinumite ng NBI sa DOJ, reklamong paglabag sa anti-graft and practices law, bribery at drug trafficking ang ipinasasampa laban kay de Lima at ilang dating opisyal ng DOJ.
Drug trafficking naman ang ipinasasampa sa mga dating aide ni de Lima na sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez, personal assistant na si Lyn Sagum at iba pa na kasabwat umano sa mga iligal na transaksyon ng senadora.
Lumabas sa findings ng NBI na malaki umano ang naging partisipasyon ni de Lima sa paglaganap ng iligal na droga sa Bilibid.
Tinukoy ng mga otoridad ang umano’y positibong pagtanggap nito ng milyong- milyong halaga ng pera mula sa drug lords, na sinasabing ginamit bilang pondo sa kanyang pangangampanya.
Tags: operasyon ng iligal na droga sa NBP, pinasasampahan na ng reklamo ng NBI, Sen. de Lima at 17 iba pa