Ikinalungkot ni Sen. Cynthia Villar ang mga lumalabas ngayong ulat at pambabatikos sa kanyang anak na si Las Piñas Representative Mark Villar.
Ito ay kasunod ng pagtanggap ng batang Villar sa alok ni Presumptive President Rodrigo Duterte na pamunuan ang Department of Public Works and Highways kahit muli siyang nahalal bilang miyembro ng House of Representatives.
Ayon kay Senator Villar, nagtapos ang kanyang anak sa kursong BS Economics sa University of Pennsylvania at may master’s degree sa Business Administration sa University of Chicago.
May pahayag din ang Senadora sa mga nagsasabing nilalabag ng kongresista ang batas kapag inabandona ang elective office kapalit ng posisyon sa gabinete ni Duterte.
Iginiit rin ng senadora na walang magiging conflict of interest sa pagkakapili sa kanyang anak na maging kalihim ng DPWH bagaman real estate ang kanilang negosyo.
Dumalo ang Senadora sa 1st Philippine Association of Agriculturist Central Luzon International Agricultural Technology Conference sa Clark, Pampanga.
Layunin nito na maibahagi ang kaalaman sa paggamit ng teknolohiya upang mapa-angat ang sektor ng agrikultura.
(Bryan de Paz/UNTV NEWS)
Tags: Las Piñas Representative Mark Villar, Sen. Cynthia Villar